Sunday, February 8, 2009

Ala eh! Interpreting Batangueno Texts


Growing up to a Batangueno family is fun. Unusual words like habi habi, sinturis, nabarik, nababanas, tubal, hihikap, buksi-- become part of everyday language. The Batangueno dialect is said to be the heart of the Tagalog language. One easily recognizes a native of the province the very moment he begins to speak: strong accent, maka-luma (old style), words spoken with a certain rhythm and inflection livelier than the usual Tagalog language. Sentences often end with an eh or a ga, said to be signs of the Batangueno affection.

The Batangueno culture is symbolized by the barako coffee and the balisong. The kapeng barako is known for its strong aroma and flavor. Other coffee may be introduced to the child of Batangas but he remains a barako loyalist. One feels the tough coffee coursing through his veins when sipping it in the morning. The Batangueno's life-world will always be associated with this cofee. The balisong (fan knife) is the symbol of the Batangueno male. Associated with martial arts, playing the balisong is the mark of the male's strength of character. One recognizes the renowned machismo of the Batangueno male through the balisong.

The language, the coffee and the balisong of the Batangueno all show a unique culture that developed in this province. From what is spoken to what is played, the native son is reminded to be unequivocal and brave.

To the non-Batangueno reader, take a deep breath. Try interpreting these texts...

1. Ala! Ang bata na nakagat ng guyam ay atungal na, bago ginalaw pa naman ng kapatid kaya lalong nag alma. Hanggang sa nagalit ang ina. Iyon, napag asbaran pa. Medyo naulaga yata, kaya kumaripas ng takbo at patikar na. Mandin kay nagsungasob digat na harhar ang lulor. Banday kana ay ina, napaawa naman. Ang sabe'y "Siya parine at ikaw ay humabo muna at napakatubal na ng iyong salapnot." Pinagsabihang "huwag kang magdadamusak at paldak na ang ating bang bang. Pagka ikaw ay napasal, kumain ka na at pig-an mo ng kalamunding ang hawot. Pagkatapos mong maghiso, ikaw ay papundo na laang at huwag kang a-adyo kung saan saan, at baka ka mag sungaba ay buringki ka."

Aba! Tilig nga naman ang bata. Bago maya maya ay panay na naman ang yaw yaw. At tutuong ipinagpapa arak ang laruan. Ngay-oy nahili ang kapatid, hanggang sa nagkaribok.
Ala! Di laang na namang nagarote. Ka antak din ng mga pangyayari. Magara ga ire? Sa siya at akong magpapamulay pa at kailangang ko ng salapi. Pagkatapos ng inyong hagalpakan, ala eh paki pasa na lang sa mga dugong ala eh.



2. Dine sa Tuklong ay may puno ng kape na arogang-aroga pa ng Mamay. Sadyang pinapugadan nang hantik na guyam at pinabantayan sa bilot. Naulutang ngatain ng Mama yang bubot na parang sinturis. Pasal na pasal.

Nang bigla na lang siyang napaumis, humirindat at tuluyan ng nabang-aw. Bigla na lang nagpatikar, lumiban ng karsada kahit umaambon. Naglulupagi sa gabokan kaya puro libag, tubal na tubal, talipa and sipit at gura.

Napadpad ang Mamay sa masukal na balinghuyan at doon naulutang gamitin ang kawot para garutihin ang ga bangkalang. Pero liyo at parang barik na barik pa rin and Mamay kaya naghamon pa ng panumbi. Wala naming kumana kaya pagerper na lang ang napagdiskitihan. Pagkatapos ng barokbokan, lungkuyin at hapong-hapo ang Mamay. Naging matalute ang usapan sa bayaran dahil mulay laang ang gusting ibayad ng Mamay.

Nagkaribok na, nagwasang ang pagerper at tinangkab ang Mamay. Nagligalig ang Mamay dahil sa marami daw kato, amoy hawot at Makati pa sa iladong tulingan. Dapat kitse lang daw and bayad. Sa pagkabanas ay napaingles ang Mamay, “I’m entitled for senior citizen discount”. Wala kang galang sa matanda, dapat kang ipabarangay.

Siguro hindi ka taga Batangas ano? Naglabas na ng balisong ang Mamay. Oops….awat na.
Naway napulutan ninyo ng gintong aral ito. Ay siya...


3. Si Batang: Isang dukhang binatilyong Batangueno ang nakasaksak ng taga-Maynila sa town plaza nung kapistahan ng kanilang bayan. Sa Maynila ginanap ang hearing. Dahil mahirap lamang si Batangueno, at walang aral, mag-isa na lamang nagpunta sa Maynila. nagpahatid na lamang sa bus terminal at lumuwas kahit wala syang alam. sa korte: Judge: "Iyo ngang isalaysay ang tunay na pangyayari.: Batangueno: "Aba eh, ako ho'y paligor-ligor lamang sa plaza, yan ga namang hong salibuy-buyan nang salibuy-buyan ang mga tao, eh may isang timalog na babangla bangla ay aking nasangge ng kaunti. Aba'y bigla ho akong nasampiga. Ala, yung dukot ko ho ng aking kampit, bigla kong sinakyod, inabot ko sa tagiliran, inuraol ko ng inuraol, di pangga-aw na ho. Nagkaribok ngayon ang mga tao, nangagsikamod ng takbo. Mga damit ho kung saan saan nasang-it, pinutot ko hong maigi, ah kung inabot ko pa uli'y siguradong tilhak sya sa akin.: Pinaulit ng Judge at yun uli ang sinabi. Sumuko na ang judge at hindi maintidihan kahit ilang ulit ang salaysay. Na-dismiss ang kaso.

**************************
habi habi- a command: to stay by the side
sinturis- dalandan
nabarik- to drink beer either casually or to the point of intoxication
nababanas- (naiinitan) to feel hot
tubal- clothes to be laundred
hihikap- (gagala or hahada) to walk leisurely
buksi- a command: to open, turn on
sarhi- a command: to close, turn off

No comments:

Post a Comment